28
May
2009

adik na. :))0

basahin mo tong blog ko! para sayo to. haha. sa mga oras na to. wala akong alam at gustong gawin kundi isipin ka, at isulat dito kung anumang nasa isip ko at ipanalangin, na sana, tama yung taong nakakita nito.

sa mga oras na to. talagang magulo ang utak ko. ikaw lang ang laman. pero talaang magulo! as in ang gulo. hehe. para saken, para kang isang paglalakbay… habang lumilipas ang araw, nadadagdagan ng nadadagdagan ang mga pangyayare sa buhay ko. nung una, nung nagsisimula pa lang. sobrang saya ko. ang nasa isip ko. sana, wala nang katapusan to. lumipas ang panahon. dumami ung memoriees! hindi o na mabilang. hindi ko makalimutan. hanggang sa dumating na lang ang puntong nag iba na. parang lahat naman eh nagbago na. ang hirap tanggapin. ang hirap isipin. at pinakamahirap eh ang intindihin. masyado atang gumulo. napatigil ako sa paglalakbay ko. napaisip. at napagawa ng desisyon. ngaun, siguraado na ko. wala na talagang atrasan to.

aausin ko ang magulo. lilinawin an malabo. at uunatin ang gusot sa puso ko. desidio na ko. sigurado. itutuloy ko tong paglalakbay na to. hindi ko hahayaang masayang lahat ng pinaghirapan ko. hindi ko hahayaang mabalewala lahat ng pagod ko. hindi ko hahayaang isantabi ang narararamdaman ko. lalaban ako. lalaban at lalaban pa rin. maghihintay. maghihitay. at maghihintay lang. kaya kong sabihin. kaya kaya ko din gawin. kahit mahirap. kahit msakit. kahit anung mangyare. kulang ang buhay ko kung wala ka. kaya hindi ako susuko! kung matalo pa rin ako sa huli, at least alam ko na naging mataang ako. panalo na din un. lahat ng experience. lahat ng memories. lahat ng luha at saya. lahat yon. hindi mawawala. prang ikaw sa puso ko. hinding hindi ka mawawala.

sa ngaun. ang magagawa ko lang. lakasan ang loob ko. tanggapin at kayanin kung anumang kahinatnan nito. at maging masaya na lang ung san man ako dalhin ng paglalakbay ko…

 

 

 

minahal kita.

minamahal kita.

at mamahalin pa rin kita.

 

 

 

_amvn.xvixxiv